Wagi sa Trabaho, Sawi sa Pag-ibig

Nakikita ko madalas sa Facebook yung isang hugot line ng mga singles sa opisina, “wagi sa trabaho, sawi sa pag-ibig”. This prompted me to write this article dahil hindi naman lahat ng single na nagtratrabaho ay ganito ang pikiwari sa kanilang kalagayan. Marahil ay palapit na naman ang pasko at nung panahong ako ay single, ang biruan namin ay magsisimula sa kanta ni Gary V. na “Pasko na Sinta ko…” at magtatapos sa pagbuo ng S.M.P. o ang samahan ng malamig ang Pasko.


Kung kaka-break mo lang sa kasintahan mo, huwag magmadaling maghanap ng kapalit na para bang kasalanan ang maging single. Nabasa ko sa isang libro na isinulat ni Joshua Harris (I Kissed Dating Goodbye) ang mga katagang ito – “Singleness is a blessing. Not a curse.”

Kaya kung ikaw ay single at wala paring boyfriend o girlfriend, let me give you some classic tips on how to maximize your singleness, imbes na magmukmok na nag-iisa ka lang o magmadaling makakuha ng partner sa buhay. Parating tandaan, galing din sa book ni Harris, “ONE is a WHOLE number”.


Win friends not potential partners. Kung hindi ka consciously naghahanap ng magiging boyfriend or girlfriend mo, you can freely look at people, as in lahat ng tao, as potential friends. Sa ganung paraan, you can be yourself. Kapag naghahanap ka kasi nagiging conscious ka. You put your best foot forward at minsan hindi ka na nagpapakatotoo.


Heal your heart first. Kung kagagaling mo lang sa isang broken relationship, palipasin mo ang panahon. Huwag humanap nga kapalig kaagad. A rebound is not a good start for a relationship.


One with yourself. Sabi nga natin kanina, one is a whole number. Hindi ka kulang kung wala kang ka-partner. Being single will allow you to know yourself better. Know what you like or dislike.


Live life to it’s fullest. God gave you the gift of singleness. Huwag mong sayangin ito. Pagisipan mong mabuti, maiksing panahaon lang ang pagiging single kung i-compare mo sa panahong may ka-partner o kapag nag-asawa ka na. Let say ikasal ka at age 30. After graduating from college, you only have 10 years of being a single. Habang ang buong buhay mo ay nakatali na sa iba. So enjoy this period of your life to travel, try new things, learn a new language, improve your craft, change jobs.


Entrust your love life to God. Naniniwala akong si God is isang mahusay ng love story writer. Let the God of the Universe orchestrate who you should be with for the rest of your life. If He knows all, He would want what’s best for you. Magpaka-busy ka muna sa mga pinagkatiwala sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan – ang iyong trabaho, ang iyong suweldo, ang pagpapa-aral ng kapait mo, ang pagmahal sa mga magulang mo, ang pagiging mabuting kaibigan.


Maniwala ka sa akin, darating din ang panahon na hindi na manlalamig ang iyong Pasko. But for the meantime, keep it warm with family and friends. You can always be alone but never lonely.

SUBSCRIBE VIA EMAIL

57th PMAP Annual Conference.jpg
  • Black LinkedIn Icon

© 2019 by People Manager Magazine. www.peoplemanager.ph