Mga Tulang Likha ni Elena



Emosyon


Pag-asa.

Bukas ay parating na

Ang isang umagang kay ganda

Na puno ng sigla at saya.


Pag-ibig.

Palagi kang kinikilig

Mga awit ay humihimig

Mabilis ang kabog ng iyong dibdib.


Tuwa.

Ang iyong nadarama

May ligayang walang kapara

Nababanaag sa iyong mukha.


Ginhawa.

Na ang bawat paghinga

Maluwag at kaaya-aya

Sa buhay na iyong tinatamasa.


(1 Mayo 2020)

Liwanag


Masikip, madilim, madumi

Puno ng takot at pighati

Luha’y tumutulo, walang patid

Walang pasubali.


Di makahakbang

Di alam ang daraanan.

Sa masukal na lansangan

Na tila walang katapusan.


Ngunit sa dulo

Aking natanaw

Isang puwang na tila

Abot hanggang kalangitan.


Maningning, bughaw

At nakakasilaw

Di makapaniwala

Ikaw ang aking natatanaw.


Kamay na may liwanag

Sa akin ay tumambad

Inaabot ang aking palad

Upang ako ay humawak.


Kabog ng aking puso

agad agad ako ay tumayo

At ang mga kamay ko

Sa Iyo ay inabot.


Walang paglagyang kaligayahan

Ang aking naramdaman

Sa unang paghaplos mo

Sa aking mga kamay.


Ikaw ang simula at ang huli

Takot at pighati ay biglang napawi

Mula nang ako ay Iyong itinindig

Liwanag ng Iyong Mukha ang sa akin ay tumambid.


Liwanag na kay sarap pagmasadan

Lalo na sa mundong nababalot ng kadiliman

Ako’y Iyong palaging isama at wag iwanan

Dahil sa liwanag Mo buhay ay walang hanggan.

(13 Abril 2020)

Believe

If you’re crying

And keep on worrying

Do not be afraid

I am watching.


If you’re battling

For your life and one’s life

Do not be afraid

I am listening.

If you’re anxious

For your life that is precious

Do not be afraid

I will make the most.

Chorus:

If you are afraid

Take my hand

And believe

To what life’s ahead.

(Repeat)

If you can’t stand

Hold your hands

Keep on praying

And keep on believing.


You are all facing this crisis

That you are not alone in this life

You are all brothers and sisters

You have to believe that you will all survive.


(Chorus)


Bridge:

You’ve got to believe

(Do not be afraid)


You’ve got to believe

(Take my hand)


You’ve got to believe

(Do not be afraid)


You’ve got to believe

(Take my hand)


Repeat


I am Your God.


(29 March 2020)


May akda:

Ma. Elena C. Ignacio, MBA

168 views

SUBSCRIBE VIA EMAIL

57th PMAP Annual Conference.jpg
  • Black LinkedIn Icon

© 2019 by People Manager Magazine. www.peoplemanager.ph